ni: Tata Raul G. Funilas
UP-Diliman
Disyembre 2, 2004
Dumayo ang bagyo ng siklo’t
Tinahak ang landas ng Pilipinas,
Mabugso ang nabuyong alimpuyong
Nagwasiwas at naglaglag ng mga patak;
Hinahalo ng umaalipatong ipu-ipo
Ang wasak na gubat na umiiyak.
Bumaha ang luhang saganang sagana,
Hindi naawat ng mga nautas na ugat
Niyong kahoy na pinulpol ng ungol
Ng mga tampalasang halimaw na humalihaw
At gumanot sa panot na panot nang bundok.
Niyong mga nagkamal ng makakapal na yaman
Nalunod at inianod ang punggok na himutok,
Nawasak ang pangarap sa butas na batas ng gubat.
© 2004 Bulatlat ■ Alipato Publications
Monday, December 06, 2004
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment