skip to main |
skip to sidebar
Nagkaroon ng failure sa bidding para sa unang rice subsidy sa taong 2007 na ginanap noong nakaraang ika-8 ng Hunyo 2007 sa SOLAIR dahil sa walang dumating na mga bidder. Kagyat din na nagskedyul ng panibagong BIDDING ang espesyal na Bidding Committee sa ika-25 ng Hunyo 2007. Inaanyayahan ang mga kawani na dumalo sa bidding na ito upang masaksihan natin ang proseso ng bidding. Kung may mga kakilala o kontak din kayong mga miller/supplier ng bigas ay anyayahan natin silang sumali.
Makipag-ugnayan lamang sa opisina ng SPMO-System. Kagyat na nakipagkonsulta ang mga opisyal ng All U.P. Workers Union sa mga kawani upang mabatid ang kanilang mga opinyon at mungkahi. Marami ang nagpahayag ng ganito, “Dapat matiyak na maganda ang kalidad ng bigas at masarap kainin kaysa habulin ang 50 kilos bawat kaban.” Dagdag pa ng ilang kawani, “Mag-uuwi nga kami ng 50 kilos na bigas, e hindi naman masarap, ang mahalaga ay masarap kainin na kahit ulaman mo lamang ng bagoong ayos na.”
Sa bidding noong Hunyo 8, itinakda ng unyon na sinandomeng rice na locally harvested, 70/30 ratio (buo at durog) at dapat hindi bababa sa 50 kilos bawat kaban. Sa kasalukuyan ay masusing pinag-aaralan ng unyon ang mga mungkahing ito katulad ng mga sumusunod: mula sa 70/30 na ratio (buo/durog) itaas ang kalidad nito at gawin itong 90/10, sinandomeng, locally harvested at hindi laon, upang matiyak na ang maiuuwi nating bigas ay maganda at masarap kainin.
Sa pagsusuri ng unyon, ang nakaraang failure sa bidding bunga ng sobrang pagtaas ng presyo ng bigas ay maiuugat natin sa napakababa na ng halaga ng P1,000.00 piso na katumbas ng isang kabang bigas na ating naipagwagi sa nakaraang collective negotiation agreement (CNA) sa UP Administration na nagsimula pa noong 2003.
Kaya’t patuloy ang panawagan ng All U.P. Workers Union sa lahat ng mga kawani na sa pagpapatuloy ng negosasyon, ipaglaban natin na hindi lamang 4 na sako ng bigas bawat taon kung hindi ay itaas pa mula sa P1,000.00 piso ang katumbas ng isang kaban ng bigas upang maiwasan na ang failure ng bidding at makatiyak tayo na ang maiuuwi nating bigas ay masarap kainin.
Samantala, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga rice stub/coupon ng mga lider ng All UP Workers Union sa bawat opisina. Mag-ingat tayo baka may mga pekeng rice-stub/coupon na kumalat dahilan sa sinasabi ng kabilang unyon na nagpa-pafollow-up din daw sila na ma-relis na ang 1 kabang bigas. Kakaiba talaga ang kabilang unyon na ito.Wala man nga lang silang ginawang trabaho o pagpapagod para ito ay maibigay, ngayon gusto pa nilang angkinin na sila ang dahilan ng pamimigay ng bigas. Wala na ba silang natitirang hiya sa kanilang sarili? Peke na nga ang ilang lagda sa CE na kanilang isinumete sa BLR, ngayon pati ba naman bigas gusto pa nilang ipeke! Tigilan na ang pagkukunwari na kayo ay nakikipaglaban para sa interes ng mga kawani!