Pages

Wednesday, October 22, 2008

Update Sa Naganap Na 8th CNA Meeting

Ginanap noong Oktubre 16, 2008, mula 2:00 hanggang 5:00 ng hapon
Na ginawa sa University Hotel, U.P. Diliman



Ang mga sumusunod ang karagdagang pinag-usapan/pinagkaisahan:

1. International womens day (March 08) pumayag ang UP panel na lahat ng empleyadong lalahok sa mga aktibidad tuwing sasapit ang International Women’s day ay official time;

2. Rice subsidy - 3 sako bawat taon ang kanilang offer na may halagang P 1,500 bawat isa – hindi pa natin isinara ang usapan dito, dahil ang kahilingan natin ay 4 na sako sa bawat taon;

3. Signing bonus – P 5,000 ang kanilang offer – lalo nating hindi tinanggap dahil napakalayo naman nito sa ating demand na P20,000. Sobrang baba ito dahil P5,000 na ang ating nakuha sa nakaraang CNA. Ang sabi natin, salubungin naman nila ang ating demand na P 20,000.00;

4. Special Previleged Leave – ayaw nilang magdagdag sa special privileged leave at ang gusto nila alisin lamang ang restriction sa paggamit ng 6 days. Ang sagot natin ay papayag tayo na hindi na ito madagdagan kung papayag ang UP panel na kung hindi mo magamit ang 3 days (marami kasi tayong kasamahan na hindi ito nagagamit dahil sa sobrang dami ng trabaho – kaya’t lalabas na reward na din ito sa mga hindi gumagamit) na special leave ay maidagdag ito sa ating leave credits at maging cumulative/commutable. Ang sagot ng UP panel ay pag-aaralan nila ang ating proposal.

Natapos ang CNA negotiation dakong ika-5:00 ng hapon at itinakda ng dalawang panig ang susunod na meeting (9th meeting) sa ika-5 ng Nobyembre 2008, 2-5 PM, sa UP Diliman. Bukas ito sa mga kasapi na nais makinig at mag-obserba.