"Higit kaninuman, marapat lamang na ang mga mag-aaral, guro at empleyado ang magkaroon ng mas malawak na representasyon sa isang pamunuang nagpapasya para sa unibersidad. Wala mang ganap na kontrol ang iba’t ibang sektor sa pagpili ng pinunong kritikal sa paghubog sa kapalaran ng UPD, mahalagang manindigan para sa pagpili ng isang pinunong tumatangkilik sa kapakanan ng karamihan. Sapagkat sinuman ang mapili at namimili, sapat ang lakas at dami nating lahat na pinamumunuan upang piliin ang landas na tatahakin ng unibersidad."
Editoryal: Pangwakas na Puna | Philippine Collegian
Saturday, February 26, 2011
Subscribe to:
Posts (Atom)