Pages

Thursday, April 08, 2010

Bishops to AFP: Respect rights of ‘Morong 43’ - Nation - GMANews.TV

In a statement signed by its president Tandag Bishop Nereo Odchimar, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) branded the “illegal arrest and continued detention" of the 43 workers as a “serious threat to the civil liberties of the Filipino people."

“The CBCP follows with grave concern the shifting accusations of the military against the health workers, the conflicting positions of government authorities on the legitimacy of the arrest and detention, and the seeming lack of regard of the AFP for human rights and the rule of law," Odchimar said.

He added the CBCP is worried about the workers’ well-being, saying their detention in Camp Capinpin, a military camp in Tanay, Rizal, makes them vulnerable to abuses, torture, threats and intimidation.

“Sustained exposure to psychosomatic strains may eventually break the fortitude and resistance of the Morong 43 into admitting under duress the accusations made against them," he said.

Bishops to AFP: Respect rights of ‘Morong 43’ - Nation - GMANews.TV - Official Website of GMA News and Public Affairs - Latest Philippine News

Sunday, April 04, 2010

Tuloy pa rin ang Kalbaryo sa PGH Dahil sa Pang-aabuso sa Kapangyarihan ng Administrasyong Roman

Ika-4 Abril 2010

Sa pagdiriwang natin ngayong araw ng Pasko ng Pagkabuhay, nakakalungkot na tayo sa Philipppine General Hospital (PGH) at sa University of the Philippines (UP) sa pangkalahatan ay nababalot pa rin ng agam-agam at lungkot. Ang pagtanggal ng representasyon ng mga estudyante sa UP-Board of Regents, ang pagtanggal ng nakaupong PGH Director ng walang due process, ang pagpapatupad ng mga polisiya ng walang pag-uusap ng mga kinaukulan, ay ilan lamang sa mga mapang-api at pang-aabuso sa poder na isinagawa ng Administrasyong Roman na direktang sumisira sa reputasyon ng ating pamantasan at paglabag sa mga demokratikong prinsipyo na pinanday ng mga lider estudyante at mga patriyotikong kaguruan ng pamantasan may ilang henerasyon na ang nakaraan. Ang pinagpipitagang pamanang ito ay hindi natin kailan man hahayaang kalimutan at tanggalin ng isang Presidente lamang. Sa isang kumunidad, lalo pa’t pang-akademya, ang anumang tahakin nito ay naayon sa pangkalahatang pagpapasya, hindi ng iilan, at hindi ng Administrasyon lamang.

Kayat, kasabay ng mass leave ng mga PGH consultant/doktor, ang All UP Workers Union ay nanawagan ng picket-vigil ng mga kawani, kasama ang mga kaguruan at estudyante simula ng Lunes, ika-5 ng Abril 2010, sa pasukan ng PGH Main Lobby upang ipahayag at idiin ang pagkondena sa mali at abusadong pamamalakad ng Administrasyong Roman.

Mariin din nating kinukondena ang mga pananakot na ginagawa ng huwad na Direktor Domingo ng PGH tulad ng inilabas na Memorandum No. 2010-24 at ng CSC MC No. 6 s. 1987. Nais nating linawin na ang kilos protesta ng mga kawani ng UP-PGH at mga estudyante ay hindi isang strike kundi isang paggampan ng malayang pamamahayag na ginagantiya sa ilalim ng ating Saligang Batas (Sec. 4, Art. III). Wala ring mangyayaring temporary stoppage o disruption of public service dahil marami namang pasukan at labasan ang ospital.

Ang unyon ay nanawagan sa ating mga pasyente at sa publiko ng inyong pang-unawa, hindi po namin inaabandona ang aming simumpaang tungkuling maglingkod sa Sambayanan, ito ay temporaryong sagabal lamang upang idiin ang aming protesta.

Nanawagan din tayo sa ating kapwa kawani, tayo ay magkaisa, huwag nating hayaang magkawatak-watak ang ating hanay dahil sa pamumulitika at pang-aabuso sa poder ng UP Board of Regents at ng Administrasyong Roman. Ang pananahimik sa mga pangyayaring ito sa ating ospital at pamantasan ay pagpapayag na rin sa kanilang pagsaula sa mga demokratikong prinsipyo, sa kasiguruhan sa trabaho at sa due process. Dapat nating isipin na kung nagagawa nilang tanggalin sa puwesto ng walang dahilan ang isang opisyal katulad ng PGH Director, mas lalo nila itong magagagawa sa mga ordinaryong kawani.

Nananawagan din tayo sa mga doktor, kaguruan at mga opisyal ng iba’t-ibang kolehiyo ng UP Manila, hindi po sapat ang mga palihim na suporta, kailangang hayagan tayong manindigan para sa katotohanan, hustisya at demokratikong prinsipyo.

Itaguyod ang mga demokratikong prinsipyo ng konsultasyon, representasyon, at pagkakapantay-pantay! Ipaglaban ang kaseguruhan sa trabaho at due process!

Ipaglaban ang karapatan ng mamamayan sa edukasyon at serbisyong pangkalusugan!

Sa Lunes, ika-5 ng Abril 2010, sumama sa Kilos-Protesta, 7:00-10:00 AM, at Picket-Vigil (buong araw), PGH Flagpole/Main Lobby.

IBALIK ANG TAMA! ANG U.P. AT P.G.H. PARA SA BAYAN!