Pages

Saturday, January 02, 2010

The State of the Filipino Nation on the Road to 2010 Elections and Beyond

by: Cocoy
Philippine Online Chronicles
Saturday, January 2, 2010

Tuesday, December 29, 2009

Kamtin ang Tagumpay, Harapin ang Hamon ng Bagong Taon

Ang taong 2009 ay isang malaking tagumpay sa ating lahat lalo na sa All UP Workers Union Manila!

Sa taong ito ating nakamit ang lahat halos na benepisyong nakasaad sa ating Collective Negotiation Agreement (CNA) na pinirmahan sa pagitan ng Unibersidad at ng Unyon noong ika-12 ng Disyembre 2009. Kabilang sa naipatupad sa taong ito ang 3-days CNA Sick Leave at 2-days Nursing Mother’s Leave. Ngayong taon din, sa pangunguna ng HRDO at HRDD ng UP Manila at PGH, ayon sa pagkakasunod, napagana ang lahat at nakita ang bentahe ng Unit APC-PERC hanggang sa Cluster/Division Level. Tayo lamang sa buong UP System ang may epektibong APC-PERC hanggang sa Cluster/Division Level dahil na rin sa ating paggigiit ng higit na “participatory governance.” Sa pakikipagtulungan ng Grievance & Negotiation Committee ng Unyon at ng Opisina ng Vice Chancellor for Administration, naitatag ang UP Manila Grievance Pool na siyang tagapagtaguyod ng UP Grievance Machinery. Dito lang din sa UP Manila mayroong gumaganang grievance machinery na batay sa inaprobahan ng Civil Service Commission para sa unibersidad Tayo din sa UP Manila/PGH ang nagtala ng pinakamaraming boto para sa kaunahang pagpili ng Staff Regent, kahit pa ang ating dinalang kandidato ay mula sa UP Diliman na ngayon ay Regente nang si Buboy Cabrera – ang Pambansang Pangulo ng unyon sa taong 1998-2008.

At sa pagtapos ng taong 2009, sa aktibong pakikilahok ng unyon sa pagpili ng PGH Direktor sa kampanyang nitong “no to third term to the incumbent” muling naitala sa kasaysayang ang napili ng UP Board of Regents ay ang hindi inindorso ng UP Administration.

Ang lahat ng mga ito ay ating nakamtan dahil sa mahigpit nating pagtangan sa mga batayang prinsipyo ng militante, progresibo at makabayang unyonismo. Pag-uunyong mulat, ayon sa pag-aaral at karanasan, mula sa kasapian at mga kawani tungo sa mga kasapian at mga kawani. At dito natin lubos at higit na pinagpupugayan ang mahigpit na partisipasyon ng mga kasapian ng unyon at kapwa manggagawa ng PGH at UP Manila.

Sa pagpasok ng taong 2010, mas malaki ang hamon sa ating magpalawak – higit na pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos para sa kapakanan ng mga kawani, ng ospital at ng unibersidad, at higit sa lahat, ang ibayong paglilingkod sa ating bayan.

Ang ibayong paglilingkod sa bayan at hindi negosyo ay hamon din natin sa bagong Direktor ng PGH. Marahil, isang salik ang hindi pag-endorso ng UP Administration, subalit hindi sila ang dapat pagsilbihan kungdi ang bayan. At kailanaman ang pusong tunay na naglilingkod sa bayan ay lubos at tunay ding kinikilala ng Sambayanan. Sa pakikipagtulungan ng mga kawani ng ospital, ng unyon, ng mga taong nagmamahal sa ating institusyon at sa bayan - tayong lahat ay may magagawa para higit na makapagsilbi sa Sambayanang Pilipino.

Mabuhay ang ating unyon! Mabuhay ang mga kawani ng Ospital at ng Unibersidad na tunay na naglilingngkod sa Sambayanan. Mabuhay ang mga kawani sa Pamahalaan na sa harap ng pambubusabos ng mga matataas na opisyal sa pangunguna ng de facto na Pangulo na si Gloria Arroyo ay patuloy tayong nagsisilbi ng tunay at tapat sa Sambayanan. Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! Haharapin natin ang hamon ng bagong taong 2010 na puno ng pag-asa, tapang at tiwala sa sarili!