Pages

Wednesday, June 20, 2012

Update on the 2nd Meeting of UP and Union Panels on the Renegotiation of CNA Economic Benefits

Sa pangalawang pulong ng CNA renegotiation on economic benefits, pinagtibay ang napagkasunduan noong unang pulong na itataas na ang Christmas grocery allowance mula sa dating P1,000 kada taon tungo sa P4,000.00 kada taon.

Subalit hindi pa rin magkasundo sa halaga ng quarterly rice subsidy. Ang UP Panel ay pumapayag nang gawing P6,000.00 kada taon (o katumbas sa P1,500 kada quarter) mula sa dating P4,500 kada taon, subalit ang unyon ay patuloy na iginigiit ang P1,650.00 kada quarter (o P6,600 kada taon), batay sa halaga ng isang 50 kgs. sako ng maayos na bigas, mula sa dating hiling na P2,000 kada quarter o katumbas sa P8,000.00 kada taon.

Nagkasundo pa rin ang bawat panel na bukas pa naman para sa patuloy na pag-uusap at itinakda ang susunod na pagpupulong sa ika-4 ng Hulyo 2012.

Sumunod na hiniling ng unyon ang kulang na P1,000.00 sa ating Clothing Allowance. Sumagot ang Administration Panel na may pagkukulang pa ang ilang constituent units sa mga report sa DBM kaya hindi pa ini-release ng DBM ang kaukulang pondo. Nangako ang Administration na patuloy nila itong tututukan.

Ang SSL III (4th Tranche) ayon kay VP Amante ay best effort makukuha natin ang adjustment (pati na ang 2 months differential) sa Agosto 2012.

Ang pondo para sa 10 day SRP (ng mga retirees) sa UP Diliman ay patuloy na hinahanapan ng pondo ayon kay VC Yap.

Nagtapos ang meeting bandang 4:30 ng hapon.