Pages

Wednesday, October 20, 2010

Aktibismo sa panahon ng administrasyong Aquino | Rising Sun

Kahit wala pang isang taon si Pangulong Aquino, sapat na ang unang 100 araw niya mula Hulyo 1 hanggang Oktubre 8 para magkaroon ng ideya sa pangkabuuang direksiyon ng kanyang pamamahala. Ang sinasabing “daang matuwid” ay tungo sa globalistang hangarin.

Oo, walang masama sa globalisasyon, kung ikaw ay nabibilang sa nakatataas na uri ng ating lipunan. Pero malinaw sa napakaraming pag-aaral ang negatibong epekto ng globalisasyon sa mahihirap – kawalan ng subsidyo mula sa gobyerno, maliit na suweldo, kawalan ng kaseguruhan sa trabaho, pagbaha ng mga imported na produkto, pagpatay sa agrikultural na produksyon. Napakahaba ng listahan ng masamang kahihinatnan, pero pilit na sinasagot ito ng mga nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng isang teknikal na termino – safety nets.

Simple lang naman ang lohika ng safety nets sa konteksto ng globalisasyon. Maaaring masagasaan ang interes ng mga manggagawa, magsasaka at iba pang sektor basta’t siguraduhin lang na mabibigyan sila ng alternatibong kabuhayan. Sa unang tingin, walang masama rito. Pero katulad ng relokasyon sa mga maralitang tagalungsod na biktima ng demolisyon, hindi isinasaalang-alang ang kalagayan ng mga nasagasaan dahil sila ay napupunta sa sitwasyon ng kawalan. - Danny Arao

Aktibismo sa panahon ng administrasyong Aquino | Rising Sun