Pages

Tuesday, June 26, 2007

TIYAK NA ANG IMPLEMENTASYON NG UNANG RICE SUBSIDY: June 29 – simula na ng delivery

Sa darating na June 29, 2007 ay magsisimula na ang implementasyon ng 1st batch ng rice subsidy para sa mga administrative personnel ng U.P. Diliman, U.P. Manila/PGH, U.P.L.B, U.P. Open University at U.P. System. Ang sumusunod ang naging resulta ng bidding na naganap noong June 25, 2007:

(kg ng bigas)
U.P. Diliman 40.1003 kg

U.P. Manila/PGH 40.0561 kg
U.P.L.B. 40.0400 kg
U.P. Open University 40.0400 kg
U.P. System 40.1003 kg

Sa pagpili ng bigas mas binigyan ng unyon ang mungkahi ng mga kawani na tiyakin ang kalidad ng bigas na maganda at masarap kainin. Kaya’t pinili ng unyon ang sinandomeng na may ratio na 90/10 (90% ang buo at 10% ang durog at hindi laon). Lumalabas na ang presyo ng bawat kg ng bigas ay halos P25.00 ( P1000.00 / P 25.00 = 40 kg).

Batay sa mga naunang ipinahayag ng unyon, ang naipagwagi nating P1,000.00 noong taong 2003 para sa rice subsidy ay lubhang napakababa na ng halaga kaya’t kailangang hilingin natin sa U.P. Administrasyon na itaas ito.

Ipinapaalala namin sa lahat na kung ang inyo pong nakuhang bigas ay hindi tumutugma sa sample ng bigas na hawak ng unyon ay mangyaring pakitawag kaagad sa ating opisina sa tel. no. 4043721 (direct line) o sa 5218450 loc 3951 upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng All U.P. Workers Union sa lahat ng mga kawani na sa pagpapatuloy ng negosasyon, ipaglaban natin na hindi lamang 4 na sako ng bigas ang hilingin natin bawat taon kundi mas mataas pa sa P1,000.00 piso ang ibigay upang matugunan ang presyo ng isang kaban ng bigas at makapag-uwi tayo ng isang kabang bigas na mas mataas ang kalidad.

MGA KAWANI NG U.P. PATULOY NA MAGKAISA!

IPAGLABAN ANG ATING MGA KARAPATAN!

IPAGLABAN ANG MGA PANG-EKONOMIYANG PROBISYON SA ATING CNA!

IPAGTAGUMPAY ANG CERTIFICATION ELECTION!

MABUHAY TAYONG LAHAT!!!

Sunday, June 17, 2007

UPDATE SA RICE SUBSIDY: Failure of Bidding Noong ika-8 ng Hunyo 2007

Nagkaroon ng failure sa bidding para sa unang rice subsidy sa taong 2007 na ginanap noong nakaraang ika-8 ng Hunyo 2007 sa SOLAIR dahil sa walang dumating na mga bidder. Kagyat din na nagskedyul ng panibagong BIDDING ang espesyal na Bidding Committee sa ika-25 ng Hunyo 2007. Inaanyayahan ang mga kawani na dumalo sa bidding na ito upang masaksihan natin ang proseso ng bidding. Kung may mga kakilala o kontak din kayong mga miller/supplier ng bigas ay anyayahan natin silang sumali.

Makipag-ugnayan lamang sa opisina ng SPMO-System.
Kagyat na nakipagkonsulta ang mga opisyal ng All U.P. Workers Union sa mga kawani upang mabatid ang kanilang mga opinyon at mungkahi. Marami ang nagpahayag ng ganito, “Dapat matiyak na maganda ang kalidad ng bigas at masarap kainin kaysa habulin ang 50 kilos bawat kaban.” Dagdag pa ng ilang kawani, “Mag-uuwi nga kami ng 50 kilos na bigas, e hindi naman masarap, ang mahalaga ay masarap kainin na kahit ulaman mo lamang ng bagoong ayos na.”

Sa bidding noong Hunyo 8, itinakda ng unyon na sinandomeng rice na locally harvested, 70/30 ratio (buo at durog) at dapat hindi bababa sa 50 kilos bawat kaban. Sa kasalukuyan ay masusing pinag-aaralan ng unyon ang mga mungkahing ito katulad ng mga sumusunod: mula sa 70/30 na ratio (buo/durog) itaas ang kalidad nito at gawin itong 90/10, sinandomeng, locally harvested at hindi laon, upang matiyak na ang maiuuwi nating bigas ay maganda at masarap kainin.

Sa pagsusuri ng unyon, ang nakaraang failure sa bidding bunga ng sobrang pagtaas ng presyo ng bigas ay maiuugat natin sa napakababa na ng halaga ng P1,000.00 piso na katumbas ng isang kabang bigas na ating naipagwagi sa nakaraang collective negotiation agreement (CNA) sa UP Administration na nagsimula pa noong 2003.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng All U.P. Workers Union sa lahat ng mga kawani na sa pagpapatuloy ng negosasyon, ipaglaban natin na hindi lamang 4 na sako ng bigas bawat taon kung hindi ay itaas pa mula sa P1,000.00 piso ang katumbas ng isang kaban ng bigas upang maiwasan na ang failure ng bidding at makatiyak tayo na ang maiuuwi nating bigas ay masarap kainin.

Samantala, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga rice stub/coupon ng mga lider ng All UP Workers Union sa bawat opisina. Mag-ingat tayo baka may mga pekeng rice-stub/coupon na kumalat dahilan sa sinasabi ng kabilang unyon na nagpa-pafollow-up din daw sila na ma-relis na ang 1 kabang bigas. Kakaiba talaga ang kabilang unyon na ito.Wala man nga lang silang ginawang trabaho o pagpapagod para ito ay maibigay, ngayon gusto pa nilang angkinin na sila ang dahilan ng pamimigay ng bigas. Wala na ba silang natitirang hiya sa kanilang sarili? Peke na nga ang ilang lagda sa CE na kanilang isinumete sa BLR, ngayon pati ba naman bigas gusto pa nilang ipeke! Tigilan na ang pagkukunwari na kayo ay nakikipaglaban para sa interes ng mga kawani!

Tuesday, June 12, 2007

UP Unions Oppose Privatization of Gov't Services: Government employees face mass lay-off

Two employees unions of the University of the Philippines in a joint statement expressed their opposition to the latest plan to accelerate the privatization of government services which, they said, makes government employees the sacrificial lambs in the government's inability to raise sufficient revenues and to curtail public spending.

BY LYN V. RAMO
Northern Dispatch

Posted by Bulatlat.com

BAGUIO CITY. Two employees unions of the University of the Philippines in a joint statement expressed their opposition to the latest plan to accelerate the privatization of government services which, they said, makes government employees the sacrificial lambs in the government's inability to raise sufficient revenues and to curtail public spending.

The All UP Workers Union (AUPWU) and the All UP Academic Employees Union (AUPAEU) said that "payback time is here and the immediate potential victims are government employees," referring to the alleged misuse of government funds to buy votes to ensure a fresh mandate for the Arroyo administration.

Clodualdo Cabrera and Judy Taguiwalo, presidents of the AUPWU and AUPAEU, respectively, also assailed President Gloria Macapagal-Arroyo for not effecting substantial benefits to government employees. Both mentioned that "as government employees, we have not received any salary increase under the Macapagal-Arroyo administration." On the other hand, they said, government employees have been subjected to increases in direct and indirect tax impositions by the government.

While the Arroyo administration went on spending taxpayer money during the elections, even before the official canvassing of votes for the President and the Vice-President started, a US-based investment bank and research firm Bear, Stearns and Co, Inc. has recommended the retrenchment of a substantial number of public employees in order to reduce government spending.

On June 2, the said unions observed, the Civil Service Commission's Karina David announced a rationalization scheme that would reduce the government workforce by as much as 30%. David reportedly agreed with the other multilateral institutions and investment banks that the planned cut in the number of government employees would result in savings for the government.

The joint statement also mentioned that "government deficit cannot be attributed to a 1.4 million government workforce for a population of over 80 million people." It said that various groups have, time and again, pointed out that the government deficit is principally a function of government's faithful adherence to liberalization and deregulation.

These policies have reportedly reduced government income from import tariffs. Besides, the automatic appropriations for debt payments eat up 29-40% of the government budget. "Patronage and corruption also account for the deficit," Cabrera and Taguiwalo said.

They said that the timing of the two news reports is but another proof that policies affecting our jobs as Filipinos and as government workers are formulated in Washington DC and in New York, both in the USA, as they likewise condemned the continuing subservience of the Arroyo administration and the Civil Service Commission to the dictates of multilateral agencies and other foreign firms such as the Bear, Stearns and Co., Inc. Bulatlat.com

Wednesday, January 24, 2007

ANALYSIS: 'Hand of Steel' of State Terrorism

By Amando Doronila
Inquirer
Last updated 02:36am (Manila time) 01/24/2007
Published on page A11 of the January 24, 2007 issue of the Philippine Daily Inquirer

(Concluded from Monday)

A DAY AFTER police commandos stormed the Iloilo Provincial Capitol to evict Gov. Niel Tupas Sr., President Gloria Macapagal-Arroyo commended the Marines for the slaying of Abu Sayyaf leader Abu Solaiman. She also told the convention of the League of Cities of the Philippines at the Manila Hotel that her administration was determined "to finish the job" of crushing Abu Sayyaf terrorism with a "hand of steel."

On Wednesday, the day of the raid, the government unsheathed the "hand of steel" at the Iloilo Capitol not against terrorists but against a hapless group of Tupas' supporters assembled in the capitol.

The assault sent out two menacing messages that shocked the nation: first, the "hand of steel" policy was not reserved exclusively for the Abu Sayyaf and extended to the regime's political opponents; second, it demonstrated in full that state terrorism has become an instrumentof the regime to crush not only the Abu Sayyaf and the long-running communist insurgency but also any form of legal opposition.

To appreciate the full extent of the application of the doctrine of state terrorism in Iloilo, it should be emphasized that the 200-strong, overwhelmingly armed police task force assaulted not a stronghold of the Abu Sayyaf but the capitol to serve a dismissal order from the Office of the Ombudsman on Tupas and other provincial officials.

The raiders, using sophisticated automatic weapons, imagined they were mounting an assault on a band of terrorists holding hostages. But there was no such thing in the capitol to justify the excessive show of force. The assault was reminiscent of the Kempetai atrocities as they launched their nocturnal raids on civilian homes during the Japanese occupation.

The Iloilo assault has left a nightmarish scenario of state terrorism coming into full play during the past two years, driven by the administration' s campaign to eradicate the communist insurgency by the end of the President's term and characterized by the immensely huge toll of extrajudicial killings of suspected leftists and journalists. (The International Federation of Journalists recently reported thatthe Philippines became the second deadliest country for journalists, next to Iraq, in 2006. Thirteen Filipino journalists died during the year, bringing to 49 the number murdered by unknown assailants since Ms Arroyo took office in 2001.)

The TV footage of the Iloilo raid vividly portrays the atrocity of state-sponsored violence and foreshadows the atmosphere of violence in the forthcoming midterm elections where rivalry for congressional seats and local offices is expected to be overheated.

A replay of the footage in town plazas across the country should arouse alarm over the administration' s state terrorism doctrine and the dangers facing Philippine democracy if this is not stopped by an electoral defeat for the government in the May election. That footage is a powerful counter-weapon that does not cost much compared to the pork barrel the government is prepared to splurge.

The footage shows a 65-member strike force of the 6th Regional MobileGroup from Negros Occidental leading a 200-strong police force in the storming of the capitol. The troops smashed locks at the main gate and a glass door to gain entry into the building. The troops, in anti-riot gear, were armed with automatic rifles and machine guns and had their fingers on the trigger. They dispersed a few hundred supporters ofTupas gathered at the capitol entrance. Niel Jr., Tupas' son and amember of the provincial board, suffered bruises after the police pushed and kicked him.

Local journalists said policemen pointed M-16 rifles at them. The police crashed in after Tupas refused to obey orders from theDepartment of Interior and Local Government implementing the decision of the Ombudsman dismissing him on charges of graft and corruption.

Interior Secretary Ronaldo Puno ordered the police assault after Tupas ignored Puno's ultimatum to step down in 48 hours to make way for Vice Gov. Roberto Armada. A timely temporary restraining order from the Court of Appeals in Cebu stopped the raid and the arrest of Tupas.

The danger from the administration' s doctrine of state terrorism is far from over. The reaction of the Arroyo administration to the raid aggravated the episode and revealed the dangerous mentality behind the doctrine. Justice Secretary Raul Gonzalez criticized Chair Purificacion Quisumbing of the Commission on Human Rights (CHR) forsaying she was shocked to see heavily armed policemen breaking into the capitol. Gonzalez derided the CHR chair for condemning the raid even though she was "not on the scene and has no basis for making such statements."

Gonzalez said Puno ordered the troops to storm the capitol after receiving information that released prisoners, armed men and NewPeople's Army rebels were inside the capitol. But Senior Supt. Pedro Merced, 6th Regional Mobile Group commander, belied Gonzalez's claims, saying that "when we entered we were surprised that there were no armed men."

Puno infuriated many when he defended the police, saying, "They should not be condemned. They should even be commended." He declared the assault a success "in general," and added, "I did not see any deployment of unnecessary forces. There were no serious injuries. No shots were fired."

Maybe Puno switched off the TV when the raid was under way. But words like these produce a widespread public backlash.

Monday, January 15, 2007

Ipaglaban ang PGH bilang Ospital ng Bayan: Rates Increase Tutulan

Siete pesos (P7.00) na blue card, magiging P15.00!
Isang libo’t limang daang piso (P1,500.)O.R. fee para sa charity!
4D Ultrasound ng matris - P600 charity rate!


Ang mga ito ay iilan lamang sa maraming dagdag at bagong rates na tinututulan ng All UP Workers Union Manila. Ang December 14 na memo (Memorandum No. 2006-131), na nagsasaad ng 29 na bago at dagdag na bayarin sa 6 na Clinical Units ay di makatarungan dahil ang serbisyo sa UP-PGH ay patuloy na tumataas at di na maabot ng marami nating kababayan. Sa taong 2005 at 2006, may 10 memo ng rates na kinabibilangan ng 111 na bago at 75 na pagtaas ng mga rates sa halos lahat na Clinical Departments. Malinaw na sa patuloy na rates increases, inaabandona ng pamahalaan ang pangunahing responsibilidad nito sa serbisyong pangkalusugan.

Bilang reaksyon ng PGH Management sa ilang mariing pamamaraan ng pagtutol na isinagawa ng Unyon ay nagkaroon ng diyalogo noong Martes, ika-9 ng Enero 2007. Tulad ng inaasahan sa pag-uusap, tahasang sinabi ng Management na dapat daw ay ipatupad ang hospital rates increase dahil daw sa mga isinaad nilang gastusin at kulang daw ang badyet mula sa Pambansang Pamahalaan. Kailangan daw nito ang karagdagang pondo upang mapatakbo ng episyente ang ospital at makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo. Bagamat ang unyon ay sumasang-ayon sa layuning magbigay ng de-kalidad na serbisyo, di matwid na katwiran na ipasa ang malaking pasanin ng kakulangan sa badyet sa mamamayan.

Dagdag sa katwiran nila ay meron naman daw PhilHealth na tinagurian ng Management na “sugar daddy” na pwedeng hingian ng mga pasyente. Sa totoo lang, napakalimitado ng coverage ng PhilHealth; kapwa sa lawak ng mga sakit at presyong babalikatin nila, lalo na at napakaliit ng porsyento ng mga pasyente na meron nito. Sa isang agarang survey na isinagawa ng Unyon noong ika-11 ng Enero 2007 sa lahat ng mga pasyente ng mga Ward na karamihang pasyente ay operado; 70% ng mga pasyente/bantay na natanong ay hindi covered ng Philhealth (161 sa 229 na mga pasyente ng Ward 2, 4, 6, 8, 14B, 16 at SOJR).

Nanindigan ang unyon na hindi na dapat pang maningil ng karagdagan sa mga pasyente. Ang mga karaniwang nagpapatingin dito sa PGH ay mahihirap na mamamayan na sa simpleng pagpapa check-up pa lamang hirap na kaagad sa maraming gastusin tulad ng mga laboratory exams. x-rays, ultrasound at iba pa. Dagdag pa rito ang mga mamahaling gamot na nirereseta sa kanila na karamihan ay walang stock sa PGH Pharmacy. Halos maghapon ang pagpapatingin partikular sa OPD kaya dagdag pa sa kanilang gastusin ang kanilang pagkain o baon sa maghapon at gastusin sa pamasahe, na karamihan ay mula pa sa malalayong lugar.

Iginiit din ng unyon, na ang mga batayang karapatan tulad ng kalusugan ay dapat pinaglalaanan ng pamahalaan. Ang PGH na naturingang “Ospital ng Bayan” ay dapat maging ehemplo o maging modelong institusyon na nagtataguyod ng laan sa mamamayan, abot-kaya at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan kaya dapat bigyan ng sapat na budget ng pamahalaan. Wag nating gamiting katwiran ang kakulangan ng badyet sa patakbong- negosyo ng ospital upang makalikom ng badyet na ang mamamayan naman ang nagdurusa, bagkus, dapat nating ipaglaban ang dagdag-badyet.

Sa pagtatapos ng nasabing pag-uusap, napagkasunduan ang pansamantalang pagtigil sa singil sa O.R. fee, dagdag na singil sa blue card at medical certificate.

Patuloy na naninindigan ang unyon na ibasura, hindi lang ang tatlong nabanggit, kundi pati na rin ang lahat na tumaas at mga bagong singilin na nakasaad sa memo. Maghanda tayo sa mas malawak at mas mataas na antas ng sama-samang pagkilos upang labanan ang walang patid na rates increase at ipaglaban ang ating karapatan sa kalusugan! Panatilihin nating ang PGH ay para sa bayan, at ang ating mga pagsikhay ay para sa bayan!

SERBISYO, HINDI NEGOSYO!

TUTULAN ANG PGH RATES INCREASE!

IPAGLABAN ANG KARAPATAN SA KALUSUGAN!

BUDGET PANGKALUSUGAN, DAGDAGAN!


All U.P. Workers Union Manila
Ika-12 ng Enero 2007

Thursday, January 11, 2007

Tuloy ang Laban Kontra Rates Increase

Budget Pangkalusugan Dagdagan

Isang makabuluhang araw ang Biyernes, Enero 5, 2007. Una, nagkaroon ng pangkalahatang pulong ang unyon kung saan mayoryang napagkasunduan ang isang kilos-protesta upang ikondena ang Memo #2006-131 na nagsasaad ng dagdag at bagong singilin sa serbisyo ng PGH. Ikalawa, ang dagliang pagpapalabas ng panibagong kautusan ng PGH Administration: Memo# 2007-05 na nag-uutos ng pansamantalang pagpapatigil ng dagdag na singil sa blue card (mula P7.00 naging P15.00) at planong O.R. fee sa charity (P1,500.00)

Sa pagtingin ng unyon, ginawa ito ng PGH admin upang mapigilan lamang ang nakatakdang kilos-protesta sa araw ng kanyang inagurasyon (Enero 8, 2007). Malinaw na ang usapin ng rates increase sa PGH ay hindi pa tapos sapagkat ang dagdag na singil sa blue card at ang bagong O.R. fee sa charity ay “ipinagpaliban lamang hanggang sa pag-uusap sa ika-9 ng Enero 2007.

Ang All U.P. Workers Union ay nananawagan sa ating mga kawani at mamamayan na patuloy nating tutulan ang isyu ng rates increase sa PGH, sapagkat isa lamang ito sa maraming hamon sa atin ng 2007. Bilang siyang pinakamalaking ospital ng bansa, ang anumang nangyayari sa PGH ay sumasalamin sa kalagayang pangkalusugan sa buong bansa.

Simula pa ng taong 1993 hanggang sa kasalukuyan, ang budget ng ospital na nagmumula sa Pambansang Pamahalaan para sa personnel at MOOE ay nakatali lamang sa isang bilyong piso (P1 Bilyon) samantalang ang kabuuang pangangailangan ng ospital ay umaabot na sa mahigit P2 bilyon. Sa tuwi-tuwina, ang pambansang pamahalaan lalo na ang Malakanyang ay nagsasabi na mayroong sapat na pondo para sa serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan. Subalit kung ating susuriing mabuti ang mga pangyayari, hanggang bukang bibig lamang ang lahat.

Sa isang banda, nakikita natin ang bilyon-bilyong pisong napupunta lamang sa graft and corruption tulad ng Macapagal Boulevard, Fertilizer Scam, ang pagwawaldas sa GSIS at marami pang iba. Sa tuwi-tuwina din, nandidiyan ang pagtaas sa suweldo ng pulis at military at ang taon-taong pagtaas ng budget ng pulis at military. Kamakailan lamang ay nag-anunsiyo ang Malakanyang at AFP na bukod sa dagdag budget ay mayroong nakahiwalay na P10 bilyon ang military para sa modernization nito para sa 2007. Kung ating matandaan noong panahon ni Presidente Ramos, mayroong P40 bilyon para daw sa AFP Modernization subalit nawala lang ang P40 bilyon at ni isang bagong jetfighter at barko ay walang nabili, sa halip nakikita natin na ang lahat na mga matataas na opisyal ng AFP lalo na ang mga Comptroller nito ay naging mga milyonaryo.

Samakatuwid hindi ito usapin ng kakulangan ng pondo para sa serbisyo, ito ay usapin ng maling pamamalakad ng pamahalaan at prayoridad nito. Kaya’t nasa atin ang paggigiit na bigyang prayoridad ang serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan at edukasyon.

Tutulan Ang Dagdag At Bagong Singilin Sa Serbisyo Sa PGH-Ang Ospital Ng Bayan! Magmalasakit Para Sa Mamamayang Pilipino; Paglingkuran Ang Sambayanan!

All U.P. Workers Union
Ika-8 ng Enero 2007

Tuesday, January 02, 2007

Rates Increase sa PGH, Di Makatarungan, Tutulan

Isang linggo bago ang Pasko, ginulantang tayo ng Memo mula sa Direktor kaugnay sa bago na namang yugto ng rates increase kasama na dito ang pagtaas ng blue card mula sa P7.00 ay magiging P15.00; at ang O.R. fee sa charity mula sa wala ay magkakaroon na ng P1,500.00 na paniningil. Hindi natin maunawaan ang motibo ng nasabing pagtaas at dagdag na singilin sa harap ng patuloy na pagtaas ng antas ng kahirapan. Nakakalungkot isipin na sa gitna ng pagdiriwang natin ng Pasko at bagong taon, ang anti-mamayang patakaran sa ngalan ng “end-user fee scheme” ay ipinapatupad mismo dito sa atin sa PGH na kilala bilang ospital ng bayan.

Ang All U.P. Workers Union ay kumukondena sa anumang uri ng pagtaas ng singilin sapagkat alam nating ang Sambayanang naghihirap ang lubos na tatamaan ng patakarang ito. Tayo ay naniniwala sa ilalim ng “parens patria” na konsepto ng pamahalaan ay dapat ang mga batayang karapatan tulad ng kalusugan ay pinapangalagaan ng pamahalaan. Kayat dapat bigyan ito ng sapat na budget at hindi iniaasa sa pagbabayad ng mga mamamayang nangangailangan nito, lalo na ng mga mahihirap.

Batay na rin sa pinakahuling survey ng SWS tinatayang may 3.3 milyong pamilya o halos 20 milyong indibidwal ang nakakaranas ng gutom na hindi bababa sa isang beses sa nakaraang tatlong buwan (bagong pinakamataas na record) at ayon na rin sa rekord ng ADB at sa HDI ng UN, mahigit otsenta porsiyento (↑80%) ng mga Pilipino ay nabubuhay lamang o mababa pa sa dalawang dolyar ($2.00) na kita kada araw. Batay sa ganitong datos, masasabi nating walang puso ang sinumang may pakana sa panibago na namang pagtaas na ito, lalo pa at sa loob ng nakaraang limang taon ay walang nadagdag sa suweldo nating mga kawani ng pamahalaan.

Tama na! Sobra na! Panahon na upang tayong lahat ay makialam sa nangyayaring ito sa ating mahal na ospital. Ngayong taong 2007, ipinagdiriwang natin ang ika-100 na taon ng pagkakatatag ng PGH; ito ay itinatag para sa pangangailang pangkalusugan ng nga mamamayan lalo na ng mga mahihirap, huwag natin itong hayaang maging “Private General Hospital.”

Bilang mga kawani ng Philippine General Hospital, marami sa atin ang patuloy at tapat na naninilbihan dahil alam nating tayo ay nakakatulong sa ating mamamayan lalo sa mga mahihirap nating kababayan. Kung ang lahat ng serbisyo ng PGH, kabilang na ang operasyong pang-charity ay mayroon nang bayad, marahil, marami sa atin ang magtatanong: Saan na patungo ang serbisyo ng PGH; ng patuloy na paninilbihan sa PGH? Huwag nating hayaan na ang ating pagseserbisyo ay maging isang negosyo!

TUTULAN ANG PANIBAGONG RATES INCREASE SA PGH – ANG OSPITAL NG BAYAN! PAGTIBAYIN ANG ATING HANAY AT MAGHANDA SA HAMON NG 2007 PARA SA SAMA-SAMANG PAGKILOS!

MAGMALASAKIT PARA SA MAMAMAYANG PILIPINO! PAGLINGKURAN ANG SAMBAYANAN!

All U.P. Workers Union
Ika-2 ng Enero 2007