All U.P. Workers Union Proklamado at Sertipikado Na Bilang Bukod Tangi at Eksklusibong Kinatawan ng mga Administratibong Kawani ng U.P.
Pagkatapos ng mahigit apat (4) na buwan, lumabas na ang desisyon ng Bureau of Labor Relations (BLR) noong ika 14 ng Pebrero 2008 kaugnay sa protesta na inihain ng ONAPUP sa resulta ng Certification Election (CE) noong ika 24 ng Oktubre 2007. Batay sa nasabing desisyon, ibinasura ng BLR ang protesta dahil sa kakulangan o kawalan ng batayan, kayat opisyal ng idineklara at sinisertipikahan nito ang All U.P. Workers Union bilang bukod tangi at eksklusibong kinatawan ng mga administratibong kawani ng buong U.P. System.
Pangalawang sunod na sertipikasyon ito ng ating unyon.
Matatandaang sa CE noong ika-24 ng Oktubre 2007 nakakuha ang ating unyon ng 3,155 boto samantalang 1,668 boto lang ang nakuha ng ONAPUP sa buong UP.
Dahil sa sertipikasyong ito inaasahan natin ang agarang pagpapatuloy sa renegosasyon para sa panibagong Collective Negotiation Agreement (CNA) kung saan kasama sa ating mga panukala ang P20,000.00 na signing bonus o CNA Incentive.
Sa konsultasyon kay Dr. Arlene Samaniego, VP for Administration ng UP, noong ika-3 ng Marso 2008 - sa meeting ng System PERC, ang muling pag-uusap ng mga negotiating panel ng unyon at UP Administration ay maaring mangyari pagkatapos ng labinlimang (15) araw na reglementary period sa pagsakatuparan ng nasabing Order ng BLR. Sa pagtaya ng unyon, dahil natanggap natin ang Order noong ika-20 ng Pebrero 2008, magiging epektibo ito simula sa ika-6 ng Marso 2008.
Tuesday, March 04, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment