6th Chapter Assembly sa ika-6 ng Marso 2008
Ang ika-6 na Pambansang (Pangkalahatang) Asembleya ay itinakda ng National Executive Board (NEB) sa ika-3-4 ng Abril 2008 na gaganapin sa UP SOLAIR Auditorium. Ito ay inaasahang dadaluhan ng mahigit kumulang 150 delegado mula sa lahat na mga Campus ng UP System sa buong bansa. Ang UP Manila/PGH ay bubuuin ng 50 delegado.
Kasabay ng Pambansang Asembleya ay ang pagpili (eleksiyon) ng panibagong mga kasapi ng Pambansang Lupong Tagapagpaganap (NEB) at Pambansang Konseho (5 at-large representatives). Ang Konseho at Lupon ang pangalawa at pangatlong pinakamataas na istruktura ng union (pagkatapos ng Pambansang (Pangkalahatang) Asembleya. Ang Asembleya at Eleksiyon ay ginaganap tuwing ikatlong taon mula noong unang Asembleya ng 1988.
Samantala ang Asembleya at Eleksiyon ng tsapter ay itinakda ng Chapter Executive Board (CEB) sa Huwebes, ika-6 ng Marso 2008, mula 9:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa UP Manila Social Hall (8/F PGH Central Block Building). Ang NEB ay itinalaga si Francisca Vera Cruz, kasapi ng CEB Diliman na siyang mamuno sa Election Committee para sa Manila Chapter.
Hinihikayat ang lahat na mga kasapi na lumahok sa nasabing Chapter Assembly upang nakalahok sa talakayan at pagdedesisyon ng tsapter sa isasamang mga probisyon sa bagong CNA, panukalang pagtataas ng buwanang butaw (monthly dues), pagdadagdag ng benepisyo sa mga kasapi at posisyon ng tsapter hinggil sa malawakang korupsiyon at paglabag sa karapatang pantao ng pamahalaang Arroyo.
Wednesday, March 05, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment