Pages

Friday, June 16, 2006

PRESS STATEMENT
June 16, 2006

Hunyo 15, 2006 ay isang makasaysayang araw para sa komunidad ng UP-PGH. Sa araw na ito nasaksihan kung paano supilin ang karapatan ng mga mamamayan na magpahayag ng kanilang saloobin. Isang opisyal ng All-UP Workers Union, si Ely Estropigan at 2 estudyante ang biglang hinuli ng mga naka-sibilyang PSG. Ang mapayapang pagkilos ay ginanap pagkatapos ng ekslusibong seremonya ng turn over ng Sentro Oftalmologico sa PGH at sa labas ng gusaling ito. Sila ay sinaktan, sinalya sa rehas, tinadyakan at dinampot papuntang WPD HQ at agad ikinulong. Ang ginawang pag-aresto na ito ay nagpapatunay ng kawalang respeto ng administrasyong Arroyo sa demokratikong karapatan ng mga manggagawang pangkalusugan, kawani, at estudyante ng UP Manila, kung saan dapat ay malakas ang academic freedom.

MARIING KONOKONDENA NG ALL U.P. WORKERS UNION MANILA ANG HINDI MAKATARUNGANG PAGHULI KAY ELY AT DALAWANG ESTUDYANTE AT ANG TAHASANG PANUNUPIL NG BATAYANG KARAPATANG PANTAO!

Naniniwala ang AUPWU Manila na legal at lehitimo ang mga isyung inihayag sa pagkilos na ito, tulad paggiit sa P 3,000.00 across-the-board salary increase at ang pagtaas ng badyet ng UP at PGH, gayundin ang pagtutol sa pakanang Charter Change. Ang kasong inciting to sedition ay malinaw na walang basihan. Ito ay paninindak sa mamamayan upang patahimikin at pigilan ang paggiit ng mga lehitimong karapatan.


References:

JOSSEL EBESATE, President, AUPWU Manila 09189276381
AMOND OLIVAR, Secretary, AUPWU Manila 09155735312BENJIE SANTOS, PRO, AUPWU Manila 09275584221

No comments: