Noong ika-17 ng Marso 2011 ay matagumpay na ginanap ang ika-7 Chapter Assembly ng All U.P. Workers Union Manila. Ito ay ginanap sa PGH UPMASA Science Hall dakong ika-2 hanggang ika-5 ng hapon. Dinaluhan ng mahigit 200 mga kasapi, ito na marahil ang pinakamaraming dumalo sa lahat ng mga Chapter Assembly ng Manila Chapter kung saan ito ay ginagannap tuwing ikatatlong taon simula noong 1988.
Ang ika-7 Chapter Assembly ay dinaluhan nina UP Manila Vice Chancellor for Administration Orlino Talens at PGH Director Jose Gonzales bilang mga panauhing pandangal na kung saan nagbigay din sila ng mga mensahe. Ang Secretary General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) na si Renato Reyes ang pangunahing tagapagsalita kung saan tinalakay nya ang mga kasalukuyang pang-ekonomiya at pampulitikang kaganapan sa bansa at ang matinding atake nito sa kabuhayan nga mamamayan lalo na ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin subalit ang tugon ng pamahalaan sa ilalim ni Pnoy ay mas lalong pasakit sa pamamagitan ng programang public-private partnership. Ito'y walang iba kungdi ang matagal na nating nilalabanang pribatisasyon, medyo pinamulitian lang para mas katanggap-tanggap sa mamamayan. Pero kung ito'y masusing pag-aralan ay mas masahol pa sa mga nakaraang programng pribatisasyon ng mga nakaraang rehimen.
Samantala, kasama sa ginanap na asambleya ay ang pagpili ng mga bagong opisyal ng chapter na manunungkulan ng tatlong (3) taon simula Abril 2011. Sila ang mga sumusunod:
Pangulo - Benjamin Santos (SOJR)
Pangalawang Pangulo - Ma. Rita Sevilla (CENICU)
Kalihim - Rosalina Cruz (DOPS)
Ingat-yaman - Eliseo Estropigan (OETS)
Tagasuri - Josefina Castillo (Internal Audit)
PRO - Elenita Jamison (Ward 4)
Para sa tatlong Board of Directors ay napagkasunduan ng kapulungan na ipanukala ang amyenda sa Konstitusyon ng Unyon para gawing kinatawang sektoral pero pangkalahatan ang eleksiyon sa mga Board of Directors. Ito ay para mas magkaroon ng boses sa loob ng Chapter Executive Board and lahat na sektor sa UP Manila/PGH. Napagkasunduan din na pangalangan at mag-eleksiyon na upang maisakatuparan kaagad ang pagbabago dahil wala namang nakikitang balakid at siguradong maipasa ito kung ipapanukala sa ika-7 Pangkalahatang Asambleya sa ika 7-8 ng Abril 2011. Ang mga sumusunod ang nahalal na Sectoral Board of Directors sa susunod na tatlong taon:
Sa PGH:
Nursing - Yolanda Trapani (Ward 4)
Administrative - Ernesto Ragudos (Grounds)
Paramedical - Karen Faurillo (MSSD)
NA/WA - Francisca Mangundayao (Ward 7)
UW - Edgardo Faldas (Ward 15)
UP Manila:
CAD/NIH - Elizabeth Ladeza (HRDO)
Acad Units - Freddie Waje (CPH)
Napagkasunduan na ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong halal na opisyales ay gaganapin na lang sa ika-8 ng Abril 2011 sa ika-7 Pangkalahatang Asambleya ng unyon sa UP-SOLAIR.
Dahil sa kakapusan ng oras, napagkasunduan din ng kapulungan na ang 60 delegado ng chapter para sa ika-7 Pangkalahatang Asambleya na may hatiang 40 mula sa PGH at 20 mula sa UP Manila ay papangalanan na lang ng mga Sektoral Board of Directors at isumite sa Pangulo ng chapter para sa memorandum at paghingi ng official time.
Ang kasalukuyang Pambansang Pangalawang Pangulong Tagapagpaganap (National Executive Vice President) at Kalihim ng chapter na si Jossel Ebesate ang nagpadaloy sa panukalang amyenda sa Konstitusyon at eleksiyon ng mga bagong opisyales samantalang ang Pangalawang Pangulo ng chapter na si Ma. Rita Sevilla ang siyang nagpadaloy ng buong programa.
Ang pulong ay nagtapos ng lagpas sa ika-5 ng hapon sa pamamagitan ng pagbibigay ng souvenir t-shirt at meryenda sa mga dumalong kasapi.
Monday, March 21, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment