Pages

Tuesday, September 16, 2008

Update sa Naganap na Pagkilos Kahapon sa Quezon Hall

Kahapon, Setyembre 15, 2008, 1:30 ng hapon kasabay ng meeting ng President’s Advisory Council ay nagkaroon tayo ng pagkilos upang igiit na maibigay na ang ating 10% salary increase. Ito ay dinaluhan ng halos 200 empleyado at nagkaroon ng isang maikling programa. Sa pagkilos na ito ay nagsalita si Pang. Roman, inilahad niya ang mga ginawa/ginagawang hakbang ng UP Administration para maibigay na ang ating 10%
tulad ng pagsulat, pakikipag-usap sa mga opisyal ng DBM, pag submit ng mga report na hinihingi ng DBM, subalit sa dulo ay hindi pa din siya nagbigay ng katiyakang maibibigay na talaga sa atin ito, sinabi din niyang ayos lang naman ang ginagawa nating mga pagkilos dahil nakakatulong ito sa ating hinihinging 10% salary increase.

Dahil nga sa wala pa ding katiyakan kung ito ay maibibigay, ngayong Oktubre ay nagpaplano tayo ng isang pagkilos papunta ng DBM Malacanang, pero siyempre patuloy ang ginagawa nating mga local na pagkilos upang patuloy din ang pressure sa Administrasyong Roman at ang gusto nga natin ay dapat sumama din sila (ang UP officials). Mungkahing ang mga chapter sa mga awtonomus campus ay maglunsad din ng pagkilos , kasabay ng isasagawang pagkilos mula sa Diliman (pinag-uusapan pa ang petsa ng pagtungo sa DBM) patungong DBM Malacanang.

No comments: