Hiwalay na Kahilingan Para Sa UP Centennial Bonus ng mga Kawani ng PGH Isinumete Kay Pangulong Roman/BOR ng AUPWU Manila
Noong ika-21 ng Mayo 2008 ay nagkaroon meeting ang Presidential Advisory Council (PAC) kung saan tinatatalakay ang lahat na usaping pang-ehekutibo sa pamantasan at ang idudulog na pagdedesiyunan ng Board of Regents (BOR). Labas sa usapan sa ating bagong CNA, may apat (4) tayong kahilingan na pinag-usapan sa PAC meeting. Sa ulat ni Dr. Arlene Samaniego, Vice-President for Administration ng U.P. ang mga napag-usapan ng PAC ay ang sumusunod:
Una: Ang kahilingan P20,000.00 Centennial Bonus ay pag-aaralan pa kung kakayaning ibigay.
Ikalawa: Ang P1,700.00 na Rice Subsidy para sa unang isang sako ng bigas ay inirekomenda ang P1,500.00 “for Approval” ng BOR sa meeting nito ngayong ika-30 ng Mayo 2008.
Ikatlo: Ang dagdag na sampung (10) araw na sick leave para sa may malalang karamdaman ay para sa mga faculty lamang dahil ang mga admininstrative personnel ay meron nang 15 days sick leave.
At ika-apat: Ang 50-50 hatian sa budget para sa Merit Promotion ay pag-aaralan pa rin.
Maliban sa dagdag na P500.00 (mula P1,000.00 magiging P1,500.00) para sa isang sakong bigas, dama natin na hindi seryoso ang U.P. Administrasyon sa pagbibigay ng solusyon sa ating mga kahilingan at maiangat kahit papaano ang ating kabuhayan. Puro PAG-AARALAN ang kanilang mga sagot kaya’t kinakailangang magpalakas pa tayo at magparami upang higit nating maigiit ang ating mga kahilingan.
Samantala, tayo sa All UP Workers Union Manila ay nagsumite naman ng araw na iyon ng liham sa Office of the Secretary of the University para BOR sa pamamagitan ni Pangulong Roman upang hilingin na huwag ibawas ang P3,000.00 na PGH Centennial Bonus sa anumang ibibigay na UP Centennial Bonus. Mahalaga na igiit natin ang posisyung ito dahil nauna nang nagbigay ng posisyon ang UP Panel sa CNA Negotiation Meeting nitong ika-7 ng Mayo 2008 na ibabawas ang PGH Centennial Bonus sa UP Centennial Bonus.
Nasa pagkakaisa at sama-samang pagkilos pa rin natin makakamit ang ating TAGUMPAY! Suportahan ang ating Unyon para sa pagkamit ng mga dagdag benepisyo.
(Ito ang lead article sa ikalawang issue ng Pandayan Manila sa taong ito na lumabas noong ika-28 ng Mayo 2008.)
Friday, May 30, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment